Nag-aalangan akong lapitan ka,
nung mga sandaling -nahuli kitang nakatitig sa kawalan.
Kulang nalang bumagsak ang luha
sa iyong mga mata.
Hindi ko na namalayan.
Bahagyang bumibigat aking dibdib.
Hindi ko kinaya, kaya’t bahagyang ibinaling sa iba ang aking pansin.
Sampung minuto na ang lumipas.
Gusto man ipagpaliban, ngunit walang magawa sa sigaw ng dibdib.
Nagnakaw ulit ng tingin-ganun pa din. Isa ka pa ring napakaganda ngunit malungkot na larawan.
Napakabigat.
Ilang beses bago napagtanto ang sinabi mo.
“Nasa mga kamay mo kung paano ako mailalarawan”
Iniiabot mo sakin ang mga pang-guhit at paleta.
Gaya ng sabi mo, hawak ko ang mundo mo.
Pero pinili ko pa ring lumisan.

Advertisements